Gerald Anderson, inamin ang naging dahilan sa hiwalayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo

229

Wala po akong “ghinost”.

Ito ang diretsahang tugon ng aktor na si Gerald Anderson patungkol sa naging kontrobersyal na hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo.


Sa isang talk show online, tahasang itinanggi ni Gerald na hindi niya bigla na lamang iniwan ang kanyang ex-girlfriend na si Bea.

Ayon sa aktor, hindi niya basta-basta na lang hiniwalayan ang aktres nang walang maayos na paalam.

Sinabi pa ni Gerald, naging “very toxic” lang talaga ang naging relasyon nila ni Bea kaya nakapagdesisyon siyang hindi na magpapakita kahit kailan sa aktres.

Dagdag pa ng aktor, sobra siyang nasaktan sa lahat ng panghuhusga na naranasan niya sa isyu.



Aniya, hindi umano siya nagsalita agad noon dahil nahusgahan na agad siya lalo na sa social media at wala siyang planong manisi ng ibang tao kung bakit nagtapos ang kanilang relasyon ni Bea.


Facebook Comments