Gerald Anderson, may bwelta sa mga kritiko

Bumuwelta ang aktor na si Gerald Anderson sa kaniyang mga kritiko.

Sa isang vlog, matapang na dinepensahan ng aktor ang kaniyang sarili mula sa panghihimasok ng ilang tao sa kaniyang personal na buhay.

Ayon kay Gerald, bagama’t ang lahat ay may karapatan na magbigay ng opinyon, dapat ay hanggang doon na lamang at huwag nang manghusga pa.


Aniya, ang bawat tao ay may choice para piliin ang gusto niyang paraan ng pamumuhay.

Samantala, ipinagtanggol ni Julia Barreto ang kaniyang nobyo.

Say ni Julia, magkaiba ang nangyayari sa totoo buhay at sa nakikita ng netizens sa social media.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Gerald matapos i-ghost umano ang ang dating girlfriend at aktres na si Bea Alonzo.

Facebook Comments