Gerald Anderson, may nagpapatibok na nga ba ng puso?

134

Curious ngayon ang mga fans ni Gerald Anderson matapos itong maglabas ng isang litrato, habang hawak ang kamay ng isang hindi pa nakikilalang persona na nakasuot ng itim na hoodie.

May caption ang larawan na “amor fati” o ibig-sabihin ay love of fate.


Ilang fans naman ang labis na naintriga sa litrato dahil posibleng ang nagmamay-ari ng kamay ang muling nagpatibok ng puso ni gerald.

Hindi naman nilinaw ni Gerald kung sino ang nagmamay-ari ng kamay.

Matatandaang 2019 nang maghiwalay sina Gerald at Bea Alonzon dahil sa umano’y third party na si Julia Barreto na itinanggi naman ni julia.

Facebook Comments