Gerald Santos, magkakaroon ng virtual concert sa October bilang tulong sa mga local freelance talents na naapektuhan ng COVID-19 crisis

Magkakaroon ng virtual concert si 2006 Pinoy Pop Superstar grand champion at “Prince of Ballad” na si Gerald Santos sa darating na October 17, 2020, alas-9:00 ng gabi na pinamagatang “Gerald Santos: The Great Shift”.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show ng RMN Manila, sinabi ni Gerald na isa itong fundraising concert na layong tulungan ang Artists Welfare Project Inc. (AWPI), isang non-profit organization ng mga Pilipinong artista na nais matulungan ang mga local freelance talent na naapektuhan ng pandemic.

Makakasama ng singer/actor sa nasabing concert sina Broadway Queen Lea Salonga, internationally renowned baritone Andrew Fernando, international theatre actress Joreen Bautista at si Asia’s Best Singing Competition season 2 grand champion Elisha Pontanares.


Para sa mga pagpapareserba ng ticket, bisitahin ang Ticket2Me.net o tumawag sa 0918-842-7346 o 0917-842-7346.

Facebook Comments