Germany nangangailangan ng 400 Pinoy nurse

176

Manila, Philippines – Patuloy na tumatanggap ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng aplikasyon para sa mga nais makapagtrabaho bilang nurse sa Germany.

400 Pilipino nurses ang kinakailangan sa triple win project na may sahod na 1,900 to 2,300 euro o katumbas ng P113,000 hanggang P137,000 kada buwan.

Ayon kay POEA Administration Undersecretary Bernard Olalia, hanggang February 28, 2019 na lamang ang deadline para sa aplikasyon.

Para malaman ang buong detalye sa pag-a-apply bisitahin ang official website ng POEA na www.poea.ph.

Government to government ang nasabing proyekto kaya at siguradong ligtas at hindi maloloko ang employer.

Libre ang visa, air fare mula Pilipinas hanggang Germany at pansamantalang tutuluyan ng natanggap na aplikante.

Facebook Comments