“Ghost dialysis,” iniimbestigahan na rin ng NCRPO

Nagsasagawa na ng case build up ang National Capital Region Police Office o NCPRO kaugnay ng ghost dialysis patient ng Wellmed Dialysis Center.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang may-ari ng nasabing pagamutan.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, kumakalap na sila ng mga ibidensya na maaaring magamit sa imbestigasyon kaugnay ng ghost dialysis patient.


Hindi kasi aniya maaaring arestuhin ang may-ari ng Wellmed Dialysis Center kung walang kaukulang kaso laban dito.

Facebook Comments