Gilas 3×3 Team, balik Calamba para mag-ensayo sa Olympic Qualifiers

Balik Calamba ang Gilas Pilipinas 3×3 teams upang mag-ensayo para sa Olympic Qualifiers.

Ayon sa Philippine Basketball Association (PBA), papangunahan nila Malick Diouf, Tonino Gonzaga ng Nueva Ecija at Agosto Flor ng Philippine Merchant Marine Academy ang practice team.

Ang ibang koponan naman ay kinabibilangan nila CJ Perez, Mo Tautuaa, Joshua Munzon, Alvin Pasaol habang kahalili sina Leonard Santillan at Karl Dehasa na sasabak sa Olympic Qualifying Event sa May 26-30.


Makakalaban ng Gilas 3×3 ang France, Slovenia, Qatar at Dominican Republic sa Graz, Austria.

Facebook Comments