Gilas, bitin ang oras para makapag-ensayo sa 30th SEA Games

30

Aminado ang coaching staff ng Gilas Pilipinas na kulang ang kanilang panahong mag-ensayo bilang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na 2019 PBA Governors’ Cup.


Ayon kay Gilas coach Tim Cone, sa November 28 nila sisimulan ang consecutive practice para makapagpahinga pa ang grupo at makapag-focus sa SEA Games.

Tiwala naman itong mabilis na matututo ang koponan kahit ilang araw na lang ang nalalabi at magbubukas na ang palaro.

Facebook Comments

From Advertisers