Gilas Pilipinas, all-set na sa magiging laban mamaya kontra Indonesia sa 2017 SEABA championship

37

Manila, Philippines – Tiniyak ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na kanilang gagawin ang lahat na kanilang makakaya para talunin ang Indonesia na makakaharap nila mamayang gabi sa nagpapatuloy na 2017 SEABA championship.

Ayon kay Reyes, hindi mahalaga kung ilan ang magiging lamang nila sa kalaban dahil nakatuon sila sa panalo para makapasok ang national squad sa FIBA Asia Cup.

Isa sa mga paghahanda na ginawa nila ay ang hindi pagpapalaro kay Andrey Blatche na pinagpahinga dahil sa injury ng tambakan nila ang Vietnam sa score na 107-52.

Naging best player sa nasabing laro si Matthew Wright na may 19-points kung saan sinabi nito sa interview na kanilang gagawin ang lahat para makuha ang panalo kontra Indonesia.

Kapwa mayroong limang panalo at wala pang talo ang Gilas at Indonesia mula noong simulan ang tournament at ang mananalo ang makakakuha ng gold medal.
DZXL558

Facebook Comments