Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, nagpaliwanag sa inilabas na listahan ng mga players para sa FIBA Asia Cup

271

Sports – Ipinaliwanag ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes ang inilabas na 24-man list ng mga manlalaro na pagpipilian para maglaro sa FIBA Asia Cup.

Ayon kay Reyes, karamihan sa mga nasa listahan ay pawang mga beterano at dati na din kasama sa line-up ng Gilas Pilipinas.

Ilan naman sa mga kasama sa listahan ay sina Andray Blatche, Jayson Castro, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, June Mar Fajardo, Jio Jalalon, Allein Maliksi, Rr Pogoy, Terrence Romeo, Troy Rosario, Matthew Wright, Baser Amer, Kevin Alas, Norbert Torres At Mga Gilas Cadets Na Sina Mac Belo, Carl Bryan Cruz, Kevin Ferrer, Kobe Paras, Ray Parks, Kiefer Ravena, Mike Tolomia at Christian Standhardinger.


Ipinaliwanag din ni Coach Chot kung bakit nito isinama sa listahan si Norwood na huling naglaro sa national squad noong 2014.

Makakasama naman ng gilas pilipinas sa group b sa FIBA Asia Cup ang China, Qatar at Iraq na gaganapin sa august 8-20 sa Beirut, Lebanon.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments