Gilas Pilipinas, inaabangan na lamang ang resulta ng kanilang swab test bago sumabak sa practice matapos makarating ng Bahrain

84

Inaabangan na lamang ngayon ng buong team ng Gilas Pilipinas ang kanilang resulta sa swab test para makapag-simula na ng kanilang ensayo.

Ito ay upang paghandaan ang susunod na window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers kung saan kasalukuyan silang nananatili sa Gulf Court Hotel sa Sanabis, Bahrain.

Pangungunahan ni Kobe Paras, Juan Gomez de Liano, at Justine Baltazar ang 15-man pool ng Gilas Pilipinas kung saan makakaharap nila ang Thailand sa November 27 at 30 sa Khalifa Sport City sa Manama.


Kasama rin sa pool ang special Gilas draftees na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi at kambal na sina Matt at Mike Nieto.

Kabilang rin sa national squad sina Dwight Ramos, Dave Ildefonso, Will Navarro, Javi Gomez de Liano, Calvin Oftana, Kemark Carino at Jaydee Tungcab.

Inaasahan ni Gilas Program Director Tab Baldwin, Head Coach Jong Uichico, at mga assistant na sina Boyet Fernandez at Alton Lister na makakapagsimula sila agad ng team practice kapag nakuha na ang resulta ng kani-kanilang swab test.



Facebook Comments