Gilas Pilipinas, ipapadala sa Qatar para mag-ensayo

Ipapadala ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa Qatar ang Gilas Pilipinas youth team para sa mag-ensayo bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup 2019.

Kailangan ng mas matinding ensayo ng Gilas para sa ikagaganda ng kanilang game performance laban sa magagaling na manlalaro sa ibang bansa.

Kabilang sa Group C ang Pilipinas kasama ang Greece, Argentina at Russia.


Isasagawa ang 2019 FIBA Under-19 World Cup sa June 27 hanggang July 8 sa Greece.

Samantala, posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong linggo na hindi makalaro ang point guard ng San Miguel Beermen na si Terrence Romeo sa PBA Commissioner’s Cup

Ito ay matapos magtamo ng Achilles tendinitis sa finals ng PBA Philippine Cup kontra Magnolia Hotshots.

Facebook Comments