Gilas Pilipinas, kukuha ng mga manlalaro sa UAAP at NCCA para sa FIBA tournaments

51

Plano ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kumuha ng mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments sa Hulyo.

Ayon kay Reyes, maraming PBA Players ang magiging abala na dahil sa 47th season ng Philippine Cup na magsisimula sa Hunyo 5.

Ilan sa mga target aniya nilang kunin ay sina Carl Tamayo at James Spencer ng University of the Philippines, SJ Belangel at Justine Baltazar ng Ateneo.


Paliwanag pa ni Reyes, nais niyang magkaroon ang mga bagitong basketbolista ng bansa ng international exposure.

Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang India sa Hulyo 1 at New Zealand sa Hulyo 3 sa World Cup qualifiers sa Auckland bago sumabak sa FIBA Asia Cup 2022 mula Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia.

Facebook Comments