Gilas Pilipinas, nagsimula nang mag-ensayo

74
Photo Courtesy: Tie Breaker Times

Nagsimula na ang pag-e-ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 2019 FIBA Basketball World Cup.

Isinagawa ang kanilang unang pag-e-ensayo sa Meralco Gym sa Pasig ala-sais y medya kagabi.


Ayon sa Gilas Pilipinas, kinailangan nilang doblehin ang kanilang pag-e-ensayo para maiuwi ang kampeonato.

Dalawang beses kada-linggo ang kanilang magiging ensayo para mapanatili ang kanilang lakas.

Pinangunahan ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao at PBA Commissioner Willie Marcial ang pag-e-ensayo ng Gilas.

Kabilang sa mga nag-practice ay sina:

–       Raymond Almazan

–       Gabe Norwood

–       Mark Barroca

–       Roger Pogoy

–       June Mar Fajardo

–       Troy Rosario

–       Marcio Lassiter at Japeth Aguilar

Sa Agosto ay nakatakdang ganapin ang 2019 FIBA World Cup sa China.

Facebook Comments

From Advertisers