Gilas Pilipinas pasok na sa FIBA World Cup

Pasok na ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa Agosto 31.

Ito ay matapos tambakan ng national team ang Kazakhstan sa score na 93-75.

Bumida sa Gilas si Andray Blatche na nakapagtala ng 41 points, 14 rebounds, four steals at dalawang blocks.


Nagdagdag naman ng 15 points si Jayson Castro habang mayroong nine points si June Mar Fajardo at tig-walong puntos sina Marcio Lassiter at Paul Lee.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ng Gilas ang 7-5 win-loss record.

Facebook Comments