Gilas Pilipinas, pinadapa ang Ivory Coast sa pagtatapos ng training camp nito sa Spain

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya matapos talunin ang Ivory Coast sa Torneo De Malaga sa Spain, iskor 73-63.

Nakabangon ang pambansang koponan matapos ang masaklap na sinapit nila sa congo na naging dahilan upang hindi sila magtagpo ng World No. 2 Spain sa Pocket Tournament.

Kumamada ng 19 points si Robert Bolick habang nag-ambag ng 18 points at 18 rebounds si Andray Blatche.


Hawak ng Gilas ang 3-1 win-loss record sa pagtatapos ng kanilang training camp sa Europe.

Babalik ang National Team sa Pilipinas bukas para sa huling dalawang linggong paghahanda para sa FIBA World Cup bago tumulak pa-China sa Agosto 29.

Facebook Comments