Gilas Pilipinas tinambakan ang Singapore sa SEABA 2017 sa iskor na 113-66

156

Manila, Philippines – Muling nasungkit ng Gilas Pilipinas ang panalo sa Southeast Asian Basketball Association championship at tinambakan ang Singapore sa score na 113-66 kagabi.

Ito na ang ikalawang panalo ng Gilas sa SEABA na ginanap sa Smart Araneta Coliseum para tumabla sa standings kasama ang Indonesia at Thailand.


Pinangungunahan ni Calvin Abueva ang laro na naka 16-puntos habang tig 14-puntos naman sina Andray Blatche at Allein Maliksi.

Umiskor naman ng 13 si Matthew Wright habang 11 points naman ang binuno ni June Mar Fajardo.

Sa ngayon ay naghahanda nang muli ang Gilas Pilipinas sa sunod nitong laro kontra Malaysia mamayang gabi.

DZXL558




Facebook Comments