Gilas Pilipinas, wagi kontra Chinese Taipei sa Jones Cup

19

Sports – Umangat muli ang Gilas Pilipinas sa nagpapatuloy na Jones Cup sa Taiwan matapos talunin ang Chinese Taipei white sa iskor na 93-82.

Sa first quarter ng laro, nanguna ang Chinese Taipei pero nakabawi ang pambansang koponan pagpasok ng second quarter sa pamamagitan nina Kiefer Ravena at Mike Myers.

Nagkaroon pa ng tensyon sa pagitan ni Matthew Wright at ng katunggaling manlalaro.

Gayunpaman, nagawa ng Gilas na manaig sa kanilang laro.

Facebook Comments