Gilas Pilipinas Youth, wagi kontra Chinese Taipei sa nagpapatuloy na FIBA Under-18 Asian Championship

58

Wagi ang Gilas Pilipinas Youth kontra Chinese Taipei sa iskor na 72-67 sa nagpapatuloy na FIBA Under-18 Asian Championship.

Dahil dito ay may tsansa na silang makuha ang pang-limang puwesto.

Nanguna sa panalo si Mason Amos na nakapagtala ng 21 points, habang mayroong 14 points at anim na rebounds si Ej Abadam at 14 points din si Jared Bahay.


Mula sa simula ay hawak ng Gilas Youth ang kalamangan, kung saan umabot pa ng 20 points sa huling tatlong minuto ng laro ng third quarter.

Makakalaban mamayang hapon ng Gilas Pilipinas Youth ang Iran.

Facebook Comments