Gin Kings, Pulse, parehong nagwagi sa PBA Governors Cup 2019

50

Nagwagi matapos tambakan ng Barangay Ginebra ang Columbian Dyip sa PBA Governor’s Cup 2019 na ginanap sa Araneta Coliseum kagabi sa iskor na 113-90.

Nanguna sa koponan si Justin Brownlee na nakapagtala ng 26 puntos na may 9 rebound at 9 assists habang nagpakawala naman ng 20 puntos si Stanley Pringle kung saan, nakuha ng kanilang koponan ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.


Sa ngayon ay nasa pang apat na pwesto na ang Ginebra na may pitong panalo at tatlong talo.

Samantala, panalo rin sa Pba Governor’s Cup 2019 sa unang laro ang Phoenix Pulse matapos talunin ang Black Water Elite sa iskor na 120-117.

Pinalakpakan ng mga manonood ang Filipino-Canadian professional basketball na si Matthew Wright matapos mag-overtime at maipasok ang three points sa loob lamang ng 1.2 segundo.

Dahil dito nakapagtala ng kabuuang 28 puntos si Wright habang bumida din sa nasabing koponan si Alonzo Gee matapos makapagtala ng 34 puntos na may 12 rebounds.

Facebook Comments

From Advertisers