Ginaganap na blood letting project ng RMN Foundation sa Sta. Rosa, Laguna, patuloy na dinadagsa ng blood donors

Patuloy na dumadagsa ang blood donors sa ginaganap na Dugtong Buhay Blood Letting Donation Project 2025 ng RMN Foundation sa isang mall sa Sta. Rosa, Laguna.

Pangunahing blood donors ang mahigit dalawang daang trainees ng advance traning center mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Yasuhisa “Kenjie” Watanabe, CEO ng Advance Ability Assistance Training Center Inc.,nais nilang makatulong sa mga komunidad sa Pilipinas kaya pinili nilang maging partner ang RMN Foundation.

Inihayag din ni Watanabe na napili nila ang Pinoy workers dahil bukod aniya sa magaling sa English at hospitable ang mga Pilipino, nais niya aniyang makatulong sa pag-unlad ng Pamilyang Pilipino lalo na’t ang maybahay niya ay isang Pinay.

Kabilang din sa nakiisa sa blood letting project ng RMN Foundation ang Department of Health (DOH), Rizal Medical Center at Inner Wheel Club of Las Piñas.

Facebook Comments