GINAGAWANG BAYWALK AT SEAWALL SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, SUPORTADO NG MGA RESIDENTE

Suportado ng mga residente sa tatlong barangay sa San Fernando City, La Union ang ipinapatayong seawall na may baywalk area.

May taas na dalawang metro mula sa lebel ng tubig dagat ang seawall na magiging panangga sa banta ng storm surge at may underground drainage system upang maiwasan ang tubig baha sa mga commercial at residential areas.

Ang baywalk area ay may anim na metrong lapad para sa accessibility ng mga sasakyan at maaaring paradahan ng mga bangka.

Inaasahan ng mga residente na dadayuhin ang lugar na magpapalago sa turismo at kabuhayan ng mga residente. Nagpapatuloy ang konstruksyon ng proyekto sa kahabaan ng Brgy. Ilocanos Sur at Norte at Brgy. Catbangen, at inaasahang matatapos ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments