Nasawi ang isang 42-anyos na ginang matapos barilin ng isang 57-anyos na lalaki gamit ang airgun sa Sitio Uyos-uyos, Barangay Cabuyao, Bolinao.
Ayon sa ulat ng pulisya, lasing umano ang suspek at nangugulo sa kanilang lugar nang sitahin siya ng biktima.
Sa halip na tumigil, kumuha umano ang lalaki ng airgun na may pellet at binaril sa mata.
Agad na isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek at iniimbestigahan para sa kaukulang kaso at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments