Ginang, ginilitan ng liig ng karelasyon

24

General Santos City—Patay ang isang ginang matapos itong ginilitan ng liig ng kanyang karelasyon sa loob mismo ng nirerentahang Bahay sa Barangay Fatima, Gensan, alas 9:00 ng gabi noong araw ng Myerkules.

Kinilala ang biktima na si Veronica De vera, nasa hustong edad at resident eng Purok Bayanihan, Barangay Fatima, Gensan.


Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, alas 2:00 ng hapon kahapon ng narinig nilang nanghihingi ng tulong ang apat na taong gulang na anak ni De vera, at ng kanilang tiningnan nakita nilang nakalock sa kwarto pero may nakita silang dugo kaya sila nagduda.

Doon na sila tumawag ng police at nang binuksan wala nang buhay ang biktima habang ang bata naman ay nakatayo lang sa gilid nito.

Sumbong ng bata pinatay ang kanyang ina ng suspek na si Jomar Cristobal na karelasyon umano ng biktima. napag-alaman na may asawa ang ginang at kapag wala ang asawa nito sa bahay doon na ito pumupunta ang suspek.

Selos ang isa sa mga anggulong tinitingnan ngayon ng PNP sa brutal na krimen.

Facebook Comments

From Advertisers