Ginang, kritikal matapos saksakin ng live-in partner sa Urdaneta City, Pangasinan

Kasalukuyang inoobserbahan ang isang 38 taong gulang na ginang matapos itong saksakin ng kanyang mismong live-in partner sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Christine Joy Rosario samantalang ang suspek ay mismong live-in partner nito na si Jeffrey Cabural.

Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang away sa pagitan ng mag-live-in partner dakong alas-10:00 ng gabi kagabi sa Brgy. Dilan Paurido.


Sa kasagsagan ng away ng dalawa ay naglabas ng patalim ang suspek at agad na sinaksak ang live-in partner nito.

Nagtamo ng dalawang stab wounds ang biktima na agad naman naisugod sa pagamutan habang nahuli ng mga rumesponding pulis ang suspek subalit hindi na na-recover ang patalim.

Inaalam pa ngayon ang dahilan ng kanilang away.

Facebook Comments