Ginang na Kumuha ng Kahoy na Panggatong, Nalunod sa Ilog

11

Cauayan City, Isabela-Natagpuan na ang palutang-lutang na katawan ng isang Ginang na unang napaulat na nawawala noong October 19, 2021 sa Cagayan matapos marekober ang bangkay nito pasado alas-2:00 ng hapon noong October 21 sa Zone 1 Barangay Centro 2, Lasam, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Medina Dolores, 69-anyos, biyuda, at residente ng Zone 7 Barangay Centro 1, Lasam, Cagayan

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, noong October 19 ng iniulat ng pamangkin ng biktima ang kanyang tiyahin na nawawala makaraang umalis sa kanilang bahay upang manguha ng kahoy na panggatong hanggang sa hindi na ito nakabalik pa.


Agad namang nagtungo ang mga tauhan ng Lasam PNP upang beripikahin ang naturang impormasyon hanggang kinumpirma ng pamangkin ng biktima na ito ang nawawalang katawan ng kanyang tiyahin.

Samantala, kinumpirma ng Rural Health Unit na namatay ang biktima sa Asphyxia Secondary to Drowning o kawalan ng oxygen ng katawan dahilan upang malunod ito.

Sa ngayon ay nakalagak na ang bangkay ng Ginang sa kanyang tahanan.



Facebook Comments