Ginang na tumaga at nakapatay sa isang katulong sa L opez, Quezon – kusang sumuko sa pulisya

Manila, Philippines – Kusang sumuko sa pulisya ang isang ginang matapos na pagtatagain ang isang katulong sa Lopez, Quezon.

 

Sa ulat, naaktuhan ng suspek na si Justina Boneo, 39-anyos ang kanyang asawa at ang biktimang si Jessa Borais habang magkasama ang mga ito sa loob ng isang bahay.

 

Dahil sa labis na selos, pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang isang itak na nagresulta sa kanyang kaagarang kamatayan.

 

Nananatili naman ngayon sa kostudiya ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.



Facebook Comments