GINANG, PATAY DAHIL SA PAMBABATO NG KANYANG KAPATID SA ILOCOS SUR!

30
Dead on Arrival sa pagamutan ang isang ginang matapos batuhin ng kanyang kapatid sa Brgy. Pug-os, bayan ng Sinait sa Ilocos Sur.
Ang biktima ay si Estrella Mangrubang Isaac, 61 anyos at ang suspek naman ay ang nakababata nitong kapatid na si Jessie Mangrubang, 53 anyos at isang mangingisda.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa Chief of Police ng Sinait MPS na si PMaj. Franco Catalan na ang biktima ay tinamaan ng tinatayang isang kilong bato sa kanyang dibdib na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Dagdag pa ni Catalan, umawat lamang umano ang biktima ngunit siya ang natamaan. Sa pagpapaliwanag naman umano ng suspek ay hindi umano nito alam na nasa loob ang kanyang kapatid.
Ayon pa kay Catalan ang dahilan ng pambabato ng suspek ay dahil sa mga utang at hindi pagkakaunawaan.
Samantala, boluntaryong sumuko sa awtoridad ang suspek at kanyang kahaharapin ang kasong isinampa sa kanya na homicide o pagpatay. | ifmnews
Facebook Comments