GINANG, PATAY MATAPOS MABANGGA AT MAGULUNGAN NG CEMENT MIXER TRUCK SA LINGAYEN

Dead on the spot ang 50 anyos na ginang matapos mabangga at magulungan ng isang cement mixer truck sa bayan ng Lingayen.
Kinilala ang biktima na si Guillerma Pidlaoan residente ng Brgy. Malimpuec Basista, Pangasinan at ang suspek na driver ng truck ay si Melecio Elifanio, 45 anyos residente ng Brgy. Pangpang San Carlos City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, galing umano ang biktima sa AFPSLAI upang kunin ang cheke ng kaniyang asawa na isang retired Philippine Army.

Nang makatawid ang biktima unang pinasakay nito ang apat na taong gulang na apo sa sasakyan at pagkatapos ay nabangga na ng truck ang biktima kung saan tumilapon ito at nagulungan pa. Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente at inabandona ang truck na minamaneho nito.
Ang apat na taong gulang na bata naman ay kasalukuyang inoobserbahan sa hospital dahil sa minor injuries.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang otoridad sa suspek kung saan nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Physical Injury and Damage to Property. |ifmnews
Facebook Comments