Ginang patay ng mabundol ng motorsiklo sa bayan ng Midsayap North Cotabato

Masaklap ang sinapit ng isang ginang ng ito ay mamatay matapos mabundol ng motorsiklo sa bayan ng Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Luzviminda Camay, 44 anyos , residente ng Barangay Lawili sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.
Dala ng ginang ang isang taong gulang na bata ng mangyari ang aksidente na ngayon ay nagpapagaling sa isang pagamutan. Nangyari ang insidente pasado alas dyes ng umaga kahapon sa Barangay Upper Bulanan, Midsayap. Isang kulay itim na Honda XRM motorcycle na minamaneho ni Archie Komisyon 22 anyoa residente ng barangay Arizona Midsayap angkas ang isang kaibigan, ang nakabundol sa biktima habang ito ay tumatawid sa kalsada. Nasa kustodiya ngayon ng Midsayap Pnp ang driver ng motorsiklo.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments