Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang isang lalaki matapos nitong pagsasaksakin ang kaniyang dating kinakasama sa Manaoag.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ang 52 anyos na biktima sa isang salo-salo sa bahay ng kaibigan nang mangyari ang insidente.
Habang nasa labas ng bahay, bigla umanong lumapit ang 43 anyos na suspek, niyakap ang biktima mula sa likuran, at pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Matapos ang pananaksak, agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay patuloy na ino-obserbahan sa ospital.
Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments