GINANG SA BAYAN NG LABRADOR, NAGBIGTI, DAHIL UMANO SA PROBLEMANG PINANSIYAL

127

LABRADOR, PANGASINAN – Wala nang buhay ang isang ginang dahil umano sa problemang pinansiyal sa bayan ng Labrador kung saan napag-alamang siya ay nagbigti.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, pasado ala una ng hapon ng makita ng mismong mister nito ang kanyang asawa na nakasabit sa kisame ng kanilang bahay at nakatali sa leeg.


Napag alaman na bago magpakamatay ang biktima ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang asawa dahil umano sa problema sa pera.

Sinasabing kumbinsido naman ang pamilya sa pagkamatay nito dahil na din sa iniwang suicide note at nakita sa kanyang tabi.

Facebook Comments