Ginang sa India, nakuhanan ng mga karayom at pako sa binti nito

72

India – Hindi pa din makapaniwala ang mga doktor sa kanilang nadiskubre sa binti ng isang 35-anyos na ginang.

Nabatid na limang taon nang nahihirapan ang ginang na si Anusuiya Devi dahil sa sobrang sakit ng kaniyang kanang binti.

Sa una, inakala ng surgeon Dr. Naresh Vishal na ordinanryong cysts lamang ang nararamdan ni anunsuiya pero nang kanila itong idaan sa x-ray, ay dito na nila nakita ang mga kakaibang bagay.

Agad na isinailaim sa operasyon ang ginang kung saan nakuha sa kaniyang binti ang nasa 70 piraso ng karayom, pako at syringes needle.

Hindi naman malaman ng ginang kung paano ito napunta sa kaniyang binti at kaniyang ikinababahala na baka siya ay nakukulam.

Facebook Comments