Ginang sugatan matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid

Kalibo,Aklan- Sugatan ang 50 anyos na babae matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa Brgy. Tigayon Kalibo. Nakilala ang biktima kay Merly Sarol, 50 anyos at residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang driver ng motorsiklo kay Lito Nalaunan sa legal na edad at residente ng Bontaling Pangitan Madalag. Ayon sa imbestigasyon ng Kalibo PNP mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo na naging dahilan ng pagkabangga sa biktima habang ito ay tumatawid sa kalsada. Dahil dito parehong nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa at agad namang dinala sa Aklan Provincial Hospital. Sa ngayon ay nakatakdang mag usap ang magkabilang panig habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Facebook Comments