Ginang, tinangayan ng anim na milyong piso ng kanyang anak-anakan

Manila, Philippines – Nahaharap sa kasong qualified theft sa Manila prosecutors office ang isang lalaki matapos siyang ireklamo ng kanyang 83 anyos na nanay-nanayan.

Ayon sa biktimang si Norma Gautno, nilustay ng suspek na si Ramon Concepcion Jr. ang anim na milyong pisong pera niya habang ninakaw pa nito ang kanyang alahas.

Dagdag pa ng biktima, inuutusan niya ito mag-withdraw ng pera sa bangko para sa pangangailangan nito ngunit hindi niya umano lubos maisip na magagawa sa kanya ito ng suspek.


Inaresto ng mga pulis si Ramon kaninang ala-una ng madaling araw sa mismong tirahan nito sa 2125 Taal St., Singalong, Maynila .

Samantala, hawak na ng Arellano police community precinct ang suspek.

Facebook Comments