
Iginiit ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na labag sa batas ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, hindi pinayagan ang dating pangulo na magkaroon ng legal representation sa panahong inaresto ito dahil hindi ito pinayagan ng Philippine National Police (PNP) na humarap ang kaniyang mga abogado.
Kung mayroon lang sana aniyang ipinakitang kaukulang dokumento ang mga awtoridad ay naiwasan sanang kwestyunin kung may hawak ba silang hard copy ng arrest warrant.
Ang International Criminal Court ICC arrest warrant ay galing rin aniya sa kaduda-dudang source.
Dagdag pa ni Panelo, walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC.
Kung kaya’t ang ginawa ng gobyerno ay magdudulot ng criminal liability sa arresting team at mga public official na nag-utos ng pag-aresto.