Ginawang pagbubugbog ng mag-amang Garin sa isang pulis, hindi kukunsintihin

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government o DILG na papanagutin sina Congressman Richard Garin ng 1st District ng Iloilo at Guimbal Iloilo Mayor Oscar Garin.

Ito ay matapos ang kanilang ginawang pambubugbog sa pulis na si PO3 Federico Macaya na nakatalaga sa Guimbal Municipal Police Station.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang ginawa ng dalawang government officials ay malinaw na abuse of authority o conduct unbecoming for the men in authority.


Ang ganitong violation aniya ay ground para tanggalan si Mayor Garin ng karapatang makapagmando sa mga pulis sa kanyang nasasakupang lugar.

Sa ngayon aniya ay maghihintay sila ng resulta ng imbestigasyon sa kaso.

Pero kahapon ay binawi na ni Western Visayas Regional Director Police Chief Superintendent John Bulalacao ang police escort ni Congressman Richard Garin.

Facebook Comments