Ginebra Guard LA Tenorio, nakarating na rin sa loob ng Clark bubble

30

Nakapasok na rin sa Clark bubble ang isa sa mga star player ng Barangay Ginebra na si LA Tenorio matapos na sumailalim sa laparoscopic surgery noong nakaraang linggo.

Pero bago siya makasama ng buong team ng Ginebra, kinakailangan ni Tenorio na manatili sa kaniyang kwarto sa hotel habang hinihintay ang resulta ng kaniyang swab test.

Nabatid kasi na parte ng health and safety protocols ng PBA na isailalim ang bawat player o staff ng koponan sa pagsusuri para masigurong hindi sila nahawaan ng virus.

Dahil dito, walang kasiguraduhan kung makasasali si Tenorio sa magiging laro ng Gin Kings kontra NLEX sa darating na Linggo.

Si LA ang natatanging player na hawak ang record na hindi pa nakakamiss ng isang laro sa PBA mula ng makapasok ito noong 2006 season kung saan nakapaglaro siya ng 641 games.

Facebook Comments