Ginebra, wagi kontra Dyip; Team DWWW-iFM, wagi sa DZXL RT Xanthone Plus

32

Hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang Columbian Dyip na nauwi pa sa overtime sa iskor 127-123 sa PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala ng career high score si Justin Brownlee na bumuslo ng 50-points.


Ayon kay Brownlee – itinuturing na niya ito bilang isang play-off game.

Samantala, panalo sa dikitang laro ang DWWW/iFM kontra DZXL RT Xantone Plus, 78-69 sa fourth day ng DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament na ginanap sa Guadalupe Nuevo Gym sa Makati City nitong Sabado.

Tinalo din ng team Lunas Kalusugan ang RMN Head Office sa second game kung saan natapos ang laro sa score na 101-71.

Mapapanood naman sa susunod na Sabado (July 20) sa Guadalupe Nuevo Gym ang laro sa pagitan ng DWWW /iFM at Lunas Kalusugan sa first game, alas-2:00 ng hapon na susundan ng DZXL RT Xanthone Plus at Gentle Hands Holistic Wellness Center sa second game.

Facebook Comments

From Advertisers