Ginebra, wagi sa opening game ng PBA Philippine Cup

49

Buwena manong panalo ang nakuha ng Barangay Ginebra sa opening game ng 2019 PBA Philippine Cup.

Tinalo nito ang TNT KaTropa sa score na 90-79 kung saan nanguna sa panalo sina Japeth Aguilar na may 21-points at Greg Slaugther na may 15-points.

Samantala, todo pasalamat ngayon si June Mar Fajardo matapos makapagtala ng bagong record sa history ng PBA makaraang makuha ang ikalimang magkakasunod na Most Valuable Player (MVP) award.

Dahil dito, nahigitan na niya ang mga PBA legend na sina Alvin Patrimonio at Mon Fernandez na kapwa nakakuha lamang ng tig-apat na MVP award.

Facebook Comments