Gintong Medalya, nasungkit nina William Morission III sa Shot Put at Natalie Uy sa Pole Vault

23

Nasungkit ni William Morisson III ang Gintong Medalya sa Men’s Shot Put.

Ito’y matapos siyang makapag-rehistro ng 18.38 Meters sa kanyang Ikatlong Throw, binasag ang higit 17 meters ng Malaysia at 16 Meters ng Thailand.


Gintong Medalya rin ang inuwi ni Natalie Uy sa Women’s Pole Vault, at nag-set ng bagong record na nasa 4.25 Meters.

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas na nagdomina ang bansa sa Pole Vault Competition.

Nitong, Sabado nakuha ni Ej Obiena ang record na nasa 5.45 Meters.

Facebook Comments
From Advertisers