Giyera laban sa ISIS sa Syria – idineklara ni US President Donald Trump

82

Syria – Nagdeklara ng giyera laban sa Islamic State Group sa Syria si US President Donald Trump.

Kasunod nito, inatasan ni Trump ang Pentagon para tuluyang durugin ang ISIS.

Ang nasabing kautusan ay bahagi ng “annihilation campaign” na isinumite ng kanyang mga military officials noong magsimulang manungkulan sa pwesto si President Trump.

Alinsunod din ito sa kanyang Executive Order kung saan binibigyan nito ng 30-days ang mga opisyal para magsumite ng plano kung paano lalabanan at susugpuin ang ISIS.

Mula 2014 ay nangunguna ang US forces sa pakikipag-laban sa nasabing grupo.
DZXL558

Facebook Comments