Glaiza de Castro, idinepensa ang best friend na si Angelica Panganiban sa mga DDS

162

Ipinagtanggol ng aktres na si Glaiza de Castro ang kanya best friend na si Angelica Panganiban sa mga bashers nito.

Una na kasing binatikos si Angelica sa trending tweet nito noong nakaraang linggo na patungkol sa aksyon ng gobyerno sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly na tumama sa bansa noong Nov. 01, 2020.


Sa tweet ni Angelica, sinabi nito na “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos-kilos naman para sa sinumpaan sa bayan at mga Pilipino,”

Aminado si Glaiza na apektado ang best friend sa mga pambabatikos na natatanggap kahit hindi naman totoo ang mga ibinibintang sa kanya.

Say ni Glaiza, kahit napapanahon ang tweet ni Angelica, umabot pa rin sa personalan o foul ang pambabatikos sa kanya ng mga DDS o Diehard Duterte Supporters.

Bunsod nito, pinayuhan nito si Angelica na mag-time out muna sa social media.




Facebook Comments