Global death toll dahil sa COVID-19, sumampa na sa higit 64,000

104

Pumalo na sa mahigit 64,000 ang bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Pinakamarami sa mga nasawi ay naitala sa Italy na nasa 15,362.


Pumapangalawa ang Spain na may 11,947 death cases at ang Amerika na may 8,452.

Ang France naman na may 7,560 death toll ay nahigitan na rin ang bilang ng COVID-19 positive patients sa China na ngayon ay nasa 89,953 na.

Pero pinakamarami pa rin sa kaso ng COVID-19 ay naitala sa US na may 311,357.

Pangalawa ang Spain na may 126,168 at Italy na may 124,632.

Sa Pilipinas, sumampa na sa 3,094 ang tinamaan ng sakit, 144 ang nasawi at 57 ang naka-recover.


Samantala, umabot na sa 246,638 ang total recoveries sa nasabing sakit sa buong mundo.

Facebook Comments