Global death toll sa COVID-19, halos 70,000 na!

49

Umaabot na sa 69,456 ang global death toll dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring namatay ay mula sa Italy na may 15,887, pangalawa ang Spain na may 12,641 at pangatlo ang Estados Unidos na mayroong 9,618 deaths.


Nangunguna naman ang Estados Unidos sa pinakamaraming infected na 336,830 cases, pangalawa ang Spain na may 131,646 at pangatlo ang Italy na may record na 128,948.

Sa kabuuan, nakapagtala na ng 1,273,709 na mga nagpositibo sa naturang virus.

Facebook Comments