Global death toll sa COVID-19, pumalo na sa 27,359!

58

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng namamatay dahil sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, sumampa na sa 27,359 ang global death toll sa COVID-19. Pinakamarami pa ring naitalang nasawi sa Italy na umabot sa 9,134.


Halos 800 naman ang nasawi sa Spain sa magdamag. Dahil dito, pumalo na sa 5,138 ang nasawi sa naturang bansa.

Sumunod dito ang China, kung saan nagmula ang virus, na may death toll na 3,295.

Samantala, nasa kabuuang 597,185 na ang COVID-19 cases sa buong mundo.

Facebook Comments