Globe, nagbigay ng digital learning at livelihood training sa mga residente ng Tatalon

Bilang bahagi ng kanilang pangako na matiyak ang maaasahang koneksyon, kamakailan lang ay nagdaos ang Globe ng isang learning session at livelihood training para sa higit sa 200 residente ng Barangay Tatalon, Quezon City, na kilalang hotspot ng mga pagnanakaw ng kable.

Idinaos noong Marso 11, ang kaganapang ito ay bahagi ng holistic na pagsisikap ng Globe na tugunan ang problema ng mga fiber cuts, na nagdudulot ng biglaang pagkaabala sa serbisyo na nakaaapekto sa mga kostumer sa mga tahanan, paaralan, opisina, mga komersyal na establisimiyento, at mga tanggapan ng gobyerno.

Sa kabuuan, 57 kaso ng fiber cuts, na karamihan ay mga kaso ng pagnanakaw ng kable, ang naitala sa Tatalon noong 2024 – ang pinakamarami sa mga barangay ng Quezon City. Kilalang-kilala ito sa komunidad, kung saan kinikilala ng mga opisyal ng barangay ang patuloy na pagkakaroon ng ganitong krimen.

“In Globe, we know that cable theft is a problem that goes beyond being a security matter. The root of this problem is largely a social one. That’s why we delivered interventions that aim to augment not just the residents’ understanding about the importance of connectivity but also their options to make a living,” wika ni Yoly Crisanto, Globe’s Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.

Ibinahagi ni Jay Gatmaitan, head ng Quezon City Local Economic Development and Investment Promotions Office, kung paano ang isang naputol na fiber optic ay naging sanhi ng pagkaabala sa pag-access sa emergency hotlines ng pamahalaang lungsod.

“This shows how important connectivity is. Fiber cuts trigger a ripple effect that inconveniences everyone, including disruptions in accessing public services. The Quezon City government extends its full support to Globe to address this problem through a holistic approach,” sabi ni Gatmaitan.

Nagpasalamat naman si Barangay Tatalon Captain Emmanuel “Kiko” Del Mundo sa Globe sa pagdadala sa programa sa kanyamg komunidad at nanawagan sa mga residente ng Tatalon na suportahan ang mga pagsisikap na tuldukan ang pagnanakaw ng kable.

“Ang Barangay Tatalon ay isa sa mga barangay sa Quezon City na may insidente ng pagnanakaw ng kable. Tulungan natin ang Globe para matigil na ang krimen na ito. Nandito sila para bigyan kayo ng pagkakataon na makapagsimula ng maayos na kabuhayan,” pahayag niya sa mga residente ng barangay.

Sa learning session, tinalakay ni Carlo Santos, Globe Senior Director for Analytics, Intelligence and Stakeholder Engagement, ang kahalagahan ng connectivity sa araw-araw na buhay at ang mga sanhi ng pagkaabala, kabilang ang mga pisikal na hadlang, ilegal na paggamit ng mga signal repeater, at pagnanakaw ng mga kable.

Tinalakay rin ni Santos ang makabuluhang paggamit ng connectivity, kabilang ang self-initiated learning at pagkakaroon ng kita sa pamamagitan ng online jobs.

Samantala, tinalakay ni Christian Blardony, Globe Senior Director for Service Planning and Engineering, kung paanong ang network ng Globe ay lumipat sa fiber, na unti-unting inaalis ang paggamit ng copper, na karaniwang target ng mga magnanakaw dahil maaari itong muling ibenta.

Ipinakita rin nina Ryan Soriano, Globe Expert for Cable Network Engineering, at Ma Fe Gamboa, Head, Globe Core OSP Planning and Engineering, kung gaano ka-delikado ang fiber cable at kung paano ang hindi tamang pagputol nito ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Nagbigay naman si Arnel Reazon, Trainer Lead ng GCash, ng mabilis na pagsasanay sa mga residente tungkol sa financial literacy, itinuturo sa kanila kung paano gamitin ang app para sa mga pang-araw-araw na transaksyon at sa negosyo, pati na rin kung paano nila mapoprotektahan ang kanilang sarili laban sa mga online scam.

Ang NGO partner ng Globe na GROW, ang livelihood arm ng Project Pearls, ay nagbigay ng pagsasanay sa mga residente sa paggawa ng dishwashing liquid, liquid hand soap, at scented alcohol. Kabuuang 223 kalahok ang nakatanggap ng libreng starter kits at gabay kung paano muling mamuhunan ng kanilang paunang kita upang mapanatili ang kanilang maliliit na negosyo.

Tinuruan din ng Globe ang mga residente kung paano sila kikita sa pagbebenta ng prepaid load, SIMs at iba pang Globe services.

“We are proud to partner with Globe for this training program. We saw how very engaged the residents were during their livelihood training, and we hope that this gives them a fresh start and boosts their earning capacity,” sabi ni Genevieve Matabang, Empowerment and Livelihood Program Manager of GROW.

Facebook Comments