Globe Telecom, patuloy ang pagsuporta sa mga maliliit na negosyanteng pinoy at mga sari-sari store owners sa bansa

245

Manila, Philippines – Patuloy ang pagsuporta ng Globe Telecom sa mga maliliit na negosyanteng pinoy at mga sari-sari store owners sa bansa.

Kasunod na rin ito ng muling paglahok ng globe sa Puregold Price Club’s 12th Tindahan ni Aling Puring (TNAP) sari-sari store convention na ginawa nitong nakalipas na mayo 24 hanggang 28 sa World Trade Center sa Pasay City.


Sa pamamagitan ng mga bagong produkto at alok sa mga may-ari ng mga sari-sari stores, ipinakita ng globe kung paano sila matutulungan na mas lalo pang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Taong 2010, nang ilabas ng globe ang “aling puring super suki sim”, isang multi-function sim card na may mga ibat ibang benipisyo para sa mga aling puring members.

Makalipas ang isang taon, nagsanib pwersa ang globe at puregold para sa easy access reload services kung saan maaari ka nang magpa-load sa alin man puregold checkout counter.
DZXL558

Facebook Comments