Gloria Arroyo at Erap Estrada, makikipagpulong kay Pangulong Duterte para pag-usapan ang mga isyu sa WPS

432

Handang dumalo sa meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo para talakayin ang mga isyu sa West Philippines Sea.

Sabi ni dating Senator Jinggoy Estrada, gusto ng kanyang ama na dumalo sa pulong pero nakadepende pa rin ito sa evaluation ng kanyang doktor matapos magpositibo kamakailan sa COVID-19.


Kinumpirma rin ng isang staff na tinanggap ni Arroyo ang imbitasyon ni Pangulong Duterte.

Wala pang sagot sa ngayon ang kampo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Hindi naman makakadalo sa meeting si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments