Gloria Arroyo, inendorso na rin si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang susunod na speaker ng Kamara

418

Inendorso na rin ni dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang susunod na Speaker ng Kamara para sa 19th Congress.

Si Arroyo na nagbabalik Kongreso bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga ay hinihimok ang mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara na suportahan ang isinusulong na Speakership para kay Romualdez.

Ayon kay Arroyo, ilang dekada niyang nakatrabaho si Romualdez at nagkakaisa silang pagsilbihan nang mabuti ang mga Pilipino.


Mula 2010, ang kanilang partnership ay may kaugnayan naman sa pagiging miyembro nila sa Mababang Kapulungan.

Si Romualdez, na pinsan ni presumptive President Bongbong Marcos at campaign-manager ni presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio ay muling nahalal naman na kinatawan ng unang distrito ng Leyte at ito na ang kanyang ika-limang termino.

Nauna na ring nagpahayag ng suporta sa Speakership ni Romualdez ang National Unity Party (NUP) sa Kamara.



Facebook Comments